September 25, 2022

iNews.Ph

News and Information

Killing the Soul

photo from the net

ANG BUHAY NG BATANG PROSTI

Pinilit sila na ibenta ang katawan nila, pinilit sila na gawing adik pa!
Ano kaya ang mundo ng mga batang prosti? Malamang nagdurusa sila at takot na takot na mabugbog o mapatay ng bugaw o sindikato! Ang iba kinidnap ng mga human traffickers. Ang iba, binenta ng sarili nilang mga magulang o kamag-anak. Pinapain at inaalok sila sa customer na sabik sa sex at kung anu-ano ang pinapagawa sa kanila. Pilit pinagagawa sa kanila anuman ang hilig ng client at kung “virgin” pa…mas malaki ang presyo! At kadalasan madaming adik sa mga parokyano nila. Dito nila pilit pinapagamit ang mga batang prosti para “mas masarap ang trip”. Shabu at ecstasy ang paborito ng mga manyakis!

Bakit ko alam? Dahil nakita ko ito sa sarili kong mata. At dahil nagiging sex addict din ako tuwing gumagamit ako.

Naka-jamming ko ang isang menor de edad. Inalok nya ang sarili nya sa akin. Pera o kahit shabu, ok na! Nagkataon wala akong dala at wala akong pera. So na-interview ko sya. Sa murang edad na 12 yrs old pinilit sya ng tyahin nya na maging pokpok. Ang alam ng mga magulang nya na nasa probinsya tumutulong sya sa tindahan ng tyahin. Hindi nila akalain SIYA pala ang ibebenta! Ginugulpi ng tyuhin kung may reklamo ang customer. Kaya dun sya natuto maging adik dahil pinapagamit ng customer hanggang naging full-blown adik na rin sya na willing ipagamit ang katawan nya kahit ang bayad ay shabu. Iilan pa kayang mga pokpok na tulad nya?

Mababa ang tingin natin sa mga tulad nya at nandidiri tayo. Pero alam ba natin ang kwento ng buhay nila? Sa tingin nyo ba na GUSTO NILA maging pokpok at adik?…..Mag-isip bago humusga!

Lito Gruet
Ex-model
Ex-Actor
Ex-Addict

#PVAID #safehavenrecoveryvillage #baifoundation #juanlifegroup
#litogruetaddictnomore